Wednesday, December 9, 2009

Mar Roxas Lagapak sa Survey!

Kulang na lang siguro ay sabunutan ni Mar Roxas ang sarili dahil sa pagbaagsak niya sa ng 9 points sa pinakahuling Social Weather Station (SWS) kung sino ba sa mga vice presidential ang napipisil ng mga botante.

Paano ba naman ay mula sa kanyang 40 percent na rating sa SWS survey noong September ay bumaba si Mar sa 31 percent sa November SWS survey.

Meaning, sa loob ng tatlong buwan ay sumemplang na si Mar. Kumbaga sa sabong, hindi pa nagsisismula ang sultada ay namamalahibo na si Roxas kahit hindi pa kumikikig ang kalaban na si Loren Legarda, na umangat mula 23 % tungo sa 26%.

Aba'y 12 puntos kaagad sa lamang ni Mar ang natabas ni Loren samantalang hindi pa talaga nagsisimula ang tunay na laban sa eleksyon. Lamang si Mar ng 17 points noong Setyembre pero noong Nobyembre ay limang puntos na lang ang birada niya.

Nakikita natin na banderang kapos itong si Mar, na sumadsad rin ng walong puntos sa Pulse Asia Survey naman noong Nobyembre, kumpara sa Pulse Asia Survey ng Oktubre.

Maraming pwedeng sisihin sa pagbagsak na ito ni Mar. Una, hindi talaga feel ng tao ang kanyang pa-"ramdam" effect. Masyadong over-acting at trying hard ang dating. Tulad na lang ng pakikipag-usap niya sa kanyang paid ads sa kunyari'y mahihirap.

Aber eh papaano naman mararamdaman ni Mar ang hirap ng milyun-milyong Pilipino eh gayung ipinanganak ito na may nakasalpak na gintong kutsara sa bunganga. Tuald ng running mate niyang si Noynoy Aquino, anak ng hasendero itong si Mar kaya please lang tama na ang pa-epek na para kayong dalawa sa mahirap.

Hindi naman kasi napag-aralan ni MAr sa US kung papaano ba kumalam ang sikmura ng mahihirap at papaano ba matulog sa malamig na baldosa ng kalsada. Hindi rin bebenta ang pasayaw-sayaw ni Roxas tulad noong Mr. Palengke days niya dahil buking na mahilig lang sya sa publicity stunt.

Saan ka naman nakakita ng senador na magtatalumpati lang sa Senado ay magsususkbit pa ng tirintas ng bawang para lang pa-epek lang niya. Kunsabagay ay kasingsangsang ng bawang ang mga salitang namumutawi sa bibig nitong si Roxas.

E di ba't ito lang senador na nagmura ng P.I. sa hangad na mapalakpakan sa isang rally sa Makati, ngunit tuligsa at batikos ang inani!

No comments:

Post a Comment